Data-gathering activities ng PNP sa ilang mga barangay sa bansa, nakababahala

Nakababahala para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson ang pag-amin ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar sa nagaganap na data-gathering activities sa ilang mga barangay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Unang isiniwalat ni Lacson ang impormasyon tungkol sa pagkakaugnay ng PNP sa “census” activities, gamit ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Pinangalanan pa ni Lacson si Police Maj. Gen. Rodel Sermonia, Director ng PNP Police Community Relations, na may kinalaman sa gawaing ito.


Bagama’t una itong pinabulaanan ng PNP, sinabi ni Lacson na malinaw ngayon na tuloy-tuloy pa rin ang nabanggit na aktibidad.

Bilang dating hepe ng PNP ay iginiit ni Lacson na hindi siya pabor na nakikisali ang Pambansang Kapulisan sa partisan politics at ang masaklap gamit pa ang pondo ng taumbayan.

Facebook Comments