Nakatakdang i-shut down ng multinational technology company na Google ang consumer version ng social network nitong Google+.
Ito ay matapos ma-expose ang data ng nasa 500,000 users nito sa mga external developers.
Ayon sa Google – agad naman nilang naayos ang leak nitong Marso at wala silang nakitang ebidensya na na-misuse ang user data.
Hindi anila aware ang anumang mga developer sa nangyari.
Sa ilalim ng European Union’s General Data Protection Regulation, sakaling magkaroon ng data breach, dapat abisuhan agad ang supervisory authority sa loob ng 72 oras, maliban na lang kung nasolusyonan agad ito.
Facebook Comments