Data Privacy Act, hindi applicable sa kamatayan ni Jaybee Sebastian

Nanindigan ang National Privacy Commission (NPC) na hindi applicable sa ilalim ng Data Privacy Act ang impormasyon hinggil sa public figure tulad ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian.

Ito ang iginiit ng komisyon matapos tumanggi si Bureau of Corrections (BUCOR) Chief Gerald Bantag na kumpirmahin ang kamatayan ni Sebastian.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, hindi maaaring gamitin ang Data Privacy Act lalo na kung public figure ang isang indibidwal.


Hindi ginagamit ang naturang batas para harangin ang ‘right-to-know’ ng publiko.

Sinabi ni Liboro na interes ng publiko ang nangyari kay Sebastian dahil sa pagkakasangkot nito sa mga isyu na batid na ng publiko.

Nabatid na si Sebastian ay tumestigo laban kay Sen. Leila De lima sa kasong illegal drug trade.

Facebook Comments