Manila, Philippines – Makikipagpulong ang National Privacy Commission (NPC) sa mga opisyal ng Grab Philippines sa susunod na linggo para pag-usapan ang data privacy issues kasunod ng pagbili nila sa operasyon ng kanilang kalabang uber.
Ayon kay NPC Chairman Raymund Liboro, aalamin sa pagpupulong ang sale provisions partikular ang pagpoproseso at protekson ng personal data ng mga Filipino drivers at users na gumagamit ng applications ng Grab at Uber.
Ani Liboro, bilang pinakamalaking transport network service provider ang Grab, nais nilang matiyak na napapangalagaan at napoprotektahan ang data privacy rights ng mga driver at users.
Tiniyak ng Grab na patuloy silang makikipagtulungan sa NPC para maitaguyod ang data privacy at protection laws.
Facebook Comments