DATA PRIVACY SCANDAL | Facebook, nakapagtanggal ng halos 600 milyong fake accounts sa unang kwarter ng 2018

Manila, Philippines – Umabot sa 583 million fake accounts ang tinanggal ng facebook sa unang tatlong buwan ng 2018.

Tugon ito ng social media giant kasunod ng data privacy scandal ng British consultancy firm na Cambridge Analytica.

Ayon sa facebook, bukod sa pagsasara ng mga pekeng accounts, pinipigilan din nila ang ilang nais gumawa ng fake accounts bawat araw.


Sa kabila nito, nasa tatlo hanggang apat na porsyento ng lahat ng active accounts ay peke.

Natuklasan din nila ang aabot sa higit 800 milyong spam messages na kanila nang tinanggal.

Inalis din nila ang nasa 30 milyong post na naglalaman ng sexual o violent images, terrorist propaganda at hate speech.

Facebook Comments