Binura na ng Commission on Elections (COMELEC) ang database na ginamit noon nakaraang halalan sa National Printing Office (NPO).
Pinangunahan ni COMELEC Director James Jimenez ang deletion ng database sa NPO ngayong araw.
Aabot sa 1,600 ballot cases para sa 106,048 na presinto sa buong bansa ang kanilang binura.
Ayon kay Jimenez, hudyat ito na tapos na ang panahon ng eleksyon gayundin ang trabaho ng COMELEC sa NPO.
Tiniyak naman ni Jimenez na mayroon silang kopya ng mga binurang mga data na ilalagay nila sa archive ng COMELEC.
Facebook Comments