Dating abugado ng mga Ampatuan, kinuwestyon ang guilty verdict ng korte

Hindi kumbinsido ang dating abogado ng mga Ampatuan sa hatol ng korte kaugnay sa Maguindanao massacre.

Kinuwestyon ni Atty. Raymond Fortun, dating defense lawyer ng mga akusado ang guilty na hatol sa mga dati niyang kliyente.

Ayon kay Fortun, mayroon umanong mga testigo ang prosekusyon na hindi tumayo sa loob ng korte ang kanilang mga testimonya at umaming sila ay binayaran ni Maguindanao Rep. Ismael Mangundadatu.


Apat umanong testigo ng prosekusyon ang kanilang napabaligtad ng testimonya sa kasagsagan noon ng pagdinig ng korte.

Si Atty. Fortun ang isa sa mga dating lead counsel ng mga Ampatuan mula 2016 hanggang Septyembre 2019.

Sa kabila nito, iginagalang naman daw niya ang desisyon ng korte kahit pa nakukulangan siya sa mga ebedensya ng prosekusyon.

Facebook Comments