Dating adik, patay matapos pagbabarilin ng 7 suspek na sakay ng motorsiklo sa Tondo

Tondo, Manila – Pitong lalaking sakay ng motorsiklo ang nakitang pinaikutan ang biktimang si Aldrin Castillo sa kanto ng Herbosa at Tioco Street sa Barangay 91 sa Tondo at agad na binaril sa ulo.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek kung saan kahit wala ng buhay ang biktima ay tinadtad pa rin ito ng bala.

Nabatid na matagal nang tumigil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang biktima at naging maganda din ang record nito sa kanilang barangay.


Napag-alaman pa na may CCTV ang barangay na nakatutok sa mismong pinangyarihan ng krimen.

Pero ayon sa mga opisyal doon, nasira ito ilang oras bago ang insidente ng pamamaril.

Facebook Comments