Dating AFP Chief Lt. Gen Bartolome Bacarro, posibleng mabigyan nang bagong trabaho sa gobyerno ayon sa Malacañang

Hindi nakikita ng Malacañang na matatapos na sa public service si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Lt. Gen. Bartolome Bacarro.

Sa isang mensahe sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na kumakatawan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ginawang change of command nitong nagdaang sabado sa Kampo Aguinaldo, inihayag niyang hindi niya naiisip na tapos na ang buhay ni Bacarro sa serbisyo publiko.

Binigyang diin ni Bersamin na kanilang pinahahalagahan ang naging accomplishment ni Bacarro sa naging serbisyo nito sa bayan.


Lagi aniya nilang maaalala ang naging paglilingkod ng heneral at mga sakripisyo nito alang-alang sa sambayanan.

Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Lt. Gen. Andres Centino bilang military chief matapos unang italaga si General Bacarro noong Agosto nang nakaraang taon.

Facebook Comments