Dating AFP Chief Madrigal itinalaga ni PRRD sa Philippine Coconut Authority

45

Isa na namang dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief ang binigyan ng puwesto sa pamahalaan.

Ito ay sa katauhan ni Retired General Benjamin Madrigal na nagretiro nuong September 2019.


Si Madrigal ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Coconut Authority bilang miyembro ng governing board.

Si Madrigal ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) class 1985 at itinalaga bilang AFP Chief nuong December 11, 2018 ni Pangulong Duterte.

Bukod kay Madrigal, ang ilan pang naging AFP Chief na nabigyan ng posisyon sa gobyerno sa ilalim ng Duterte Administration ay sina Customs Chief Reynaldo Guerrero, Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ganundin si Retired General Ricardo Visayan na administrador naman ng National Irrigation Administration (NIA).

Facebook Comments
From Advertisers