Sa naging pasya ng Anti-Graft Court, guilty ang hatol para sa 6 na counts ng perjury, kung saan siya hinatulang mabilanggo ng tig-isang taon sa bawat bilang.
Not guilty naman ang naging hatol sa 2 pa niyang kaso at ang na-dismiss naman ay ang 3 pang bilang ng kaparehong kaso.
Nag-ugat ang kasomg perjury ni Ligot dahil sa maling deklarasyon ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net worth o SALN mula 1993 hanggang 2003.
Naglalagak na ngayon si Ligot ng kanyang piyansa para sa 6 counts of perjury kung saan nahatulan siya ng guilty.
Facebook Comments