Binatikos ni dating Agriculture Sec. Manny Piñol ang mga ekonomista na nagsulong ng pagbaha ang imported rice sa merkado.
Ayon kay Piñol, bigo ang kanilang Economic Theory na isama sa reyalidad na may mga rice hoarder na kumokontrol sa presyo ng bigas.
Kahit baha ng imported na bigas sa merkado halos hindi bumaba ang presyo nito.
Pinipili ng mga trader na bumili ng imported na bigas dahil mas mura ito.
Dahil dito, bumagsak ang presyo ng palay ng mga lokal na magsasaka.
Wala pang tugon ang Malacañan hinggil dito.
Matatandaang nagbitiw si Piñol bilang kalihim ng kagawaran dahil sa pagkakaiba nila ng Economic Managers sa mga mahahalagang isyu gaya ng Rice Liberalization Law.
Nasa gabinete pa rin si Piñol bilang Chairperson ng Mindanao Development Authority.