Dating Agriculture Secretary Manny Piñol, tiwalang mareresolba ng Lacson-Sotto Tandem ang problema sa korapsyon at iligal na droga sakaling papalarin maging pangulo ng bansa

Malaki ang tiwala ni dating Agriculture Secretary at Senatoriable Emmanuel ‘Manny’ Piñol na hangga’t umiiral pa rin umano ang mga problema gaya ng kriminalidad, korapsyon at iligal na droga sa Pilipinas, mas maraming dahilan upang iboto si Partido Reporma presidential candidate Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate vice presidentiable aspirant Vicente Tito Sotto na pinakakwalipikado at may karanasan sa pagresolba ng mga naturang isyu.

Ayon kay Piñol, nagdesisyon siyang suportahan si Lacson at running mate nito na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, kahit pa kilala siyang dating kakampi ni Pangulong Rodrigo Duterte at tumulong sa kandidatura nito dahil sa katangian ng dalawang beteranong senador na makalulutas sa naturang mga problema ng bansa.

Kahit aniya mawala ang problema na dulot ng COVID-19, may iba pang mas malalang mga problema ang patuloy na kakaharapin ng bansa at nakikita niya na sa lahat ng mga kandidato ang plano ng Lacson-Sotto tandem ang pinakamalaman.


Bukod sa nakapokus ito sa ugat ng problema, nilalatag din ng dalawang batikang mga senador ang mga maaagap na solusyon sa mga pangmatagalang problema para sa ikagiginhawa ng buhay ng mga susunod na henerasyon.

Facebook Comments