Dating Agriculture Secretary Proceso Alcala, guilty sa mga kinakaharap na asunto; Dating kalihim, hindi na pwedeng maglingkod sa gobyerno

Manila, Philippines – Hindi na makakabalik sa serbisyo sa pamahalaan si dating Department of Agriculture Proceso Alcala.

Ito ay matapos patawan ng guilty ng Office of the Ombudsman si Alcala ng Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Ang mga reklamong ito ay nag-ugat sa iligal na paggamit ng 13.5 Million para sa pagtatayo ng Quezon Corn Trading and Processing Center kung saan napunta ang pondo sa Isa Akong Magsasaka Foundation Inc. na ang Presidente ay si Bautista Ella na kanyang in-law.


Nilabag din ni Alcala ang Government Procurement Reform Act sa pagkuha ng sets ng pump at engine para sa Shallow Tube Well/Pump Irrigation System Open Source project dahil sa pagpasok sa negotiated contract.

Bukod sa iisang bidder na Agricom lang ang kinuha, hindi rin dumaan sa proseso ang nasabing proyekto.

Kasama din sa mapaparusahan na dismissal from the service sina Director Silvino Tejada ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM), Uldarico Andal Chairman ng Inspection Committee, Sonia Salguero Head ng Procurement Unit, at BAC members, Rodelio Carating, Diosdado Manalus at Ernesto Brampio.

Facebook Comments