Dating aktres, ka-live in huli sa droga

Kalaboso ang isang dating aktres at kinakasama nito sa ikinasang buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Katherine Luna o Katherine Diaz Eson sa tunay na buhay, 32, at live in artner nitong si Jonathan Jocson, 37, pawang residente ng Barangay San Isidro ng nasabing lugar.

Batay sa Rodriguez Municipal Police Station, nakuha sa mga suspek ang pitong gramo ng pinaniniwalaang shabu na may halagang P25,000, at P1,500 buy-bust money.


Nakakulong sa himpilan ng pulisya ang dalawa na sasampahan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments