Tuluyan nang inalis sa serbisyo ng Office of the Ombudsman (OMB) si dating Albay Governor Noel Rosal.
Ito’y kasunod ng mga kasong grave misconduct, oppression, at conduct prejudicial to the best interest of the service na inihain laban sa kanya at sa misis nitong alklade ng lungsod ng Legazpi na si Mayor Geraldine Rosal noong 2022.
May kinalaman ito sa umano’y hindi makatwirang paglilipat ng dating gobernador sa pwesto sa ilang mga Department Heads ng Provincial Government ng Albay.
Sa desisyong inilabas ng Ombudsman, ang ginawang ito ni Rosal ay labis na nakaapekto sa operasyon at pagbibigay serbisyo sa publiko ng lokal na pamahalaang panlalawigan.
Isang taon na suspension naman ang ipinataw ng Anti-Graft Court kay Mayor Geraldine Rosal dahil sa pag-transfer din nito sa pwesto kay Legazpi City Engineer Clemente ibo sa provincial government.
Batay sa desisyon ng Ombudsman, bukod sa dismissal from Government Service ay pinagbabawalan na ring humawak ng anumang pwesto sa gobyerno si dating Albay Governor Noel Rosal.