Guilty ang hatol ng Sandiganbayan kay dating Claveria, Misamis Oriental Municipal Mayor Antonio Calingin na nahaharap sa kasong katiwalian.
Ang kaso ay nagugat sa maanomalyang paglalabas ng pondo para sa housing project noong 1995 at 1996 na Balay Ticala Housing Project.
Sa ibinabang desisyon ng 2nd Division ng anti-graft court, nahaharap sa 90 hanggang 120 taon na pagkakakulong si Calingin.
Ang dating alkalde ay may 14-counts ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Inatasan naman ng Sandiganbayan si Calingin na magbayad ng P7.205 million na multa.
Hindi na rin papayagan si Calingin na makaupo sa anumang government position.
Hinatulan din ng guilty ang mga Kapwa akusado ni Calingin na sina dating municipal accountant Estrellita Ballescas at Romeo Quiblat.