Cotabato, Philippines – Nakitaan ng sapat na ebedensya ng Ombudsman para kasuhan ng kurapsyon ang dating alkalde ng Banisilan Cotabato dahil sa iregularidad ng procurement ng Consultancy Services noong 2012.
Kasong may kinalaman sa paglabag sa Section 3e ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang kinasasangkutan ngayon ni dating Mayor Betty Allado, mga miyembro ng Bids and Awards Committee na sina Jaime Alisasis, Ramil Jayma, Marietta Nonan, Ramon Capanang, Carmencita Bari, Andres Serue, Raymond Franco, Jornalito Allado, Hilario Cabangon, Noel Bryan Tuling at ang manager ng JK Engeneering and Design and Consultancy Services.
Ang nasabing kaso ay ipinasasampa ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Sa imbestigasyon ng Ombudsman, noong 2012, naging benepisyaryo ang bayan ng Banisilan ng Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat program ng National Government kung saan nabigyan ito ng pitong milyong piso na pondo.
Kumuha ng Consultancy Service ang pamahalaang local sa pangunguna ng alkalde para sa nasabing water project subalit hindi umano nito sinunod ang Government Procurement Act.
Nagkaroon din umano ng iregularidad sa dahil walang naganap na paglalathala ng invitation to bid, pagkakaiba ng petsa ng araw ng bidding at maraming iba pa.
DZXL558