Manila, Philippines – Kinasuhan ng Office of the Ombudsman si dating ARMM Agriculture Director Basher Noor dahil sa hindi pagsusumite ng tamang statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula taong 2003 hanggang 2012.
Tatlong bilang ng kasong perjury at pitong bilang ng kasong paglabag sa section 8 ng RA 6713 o code of conduct and ethical standards for public officials and employees si Noor.
Kaugnay ito ng hindi pagsusumite ng kumpeto at makatotohanang SALN kung saan hindi idineklara ni Noor ang 72, 093 square meter na real property niya sa Manolo Fortich, Bukidnon.
Nagrekomenda naman ng P88,000 piyansa ang Ombudsman para sa pansamantalang kalayaan ng dating opisyal.
DZXL558
Facebook Comments