Dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan, pinababalik sa kulungan  

Ipinag-utos ng Quezon City Regional Trial Court na ibalik sa kulungan ang isa sa mga pangunahing suspek sa Maguindanao Massacre.

Base sa tatlong-pahinang kautusan ni QC RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes, hindi pinabigyan ang hiling ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na manatili sa Makati Medical Center.

Inatasan niya ang Warden ng Quezon City Jail Annex na ibiyahe si Ampatuan pabalik sa kanyang Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.


Sinabi ni Judge Solis-Reyes na pwedeng ipagpatuloy ni Ampatuan ang kanyang Medical Management at Rehabilitation Bilang Outpatient.

Matatandaang isinugod sa ospital si Ampatuan sa Taguig Pateros District Hospital noong October 22 at inilipat sa Makati Medical Center.

Bukas, Oct. 19 ay nakatakdang ilabas ang hatol kay Ampatuan at sa 100 iba pa para sa 58 bilang ng murder na inihain kaugnay sa malagim na masaker sa kasaysayan ng bansa.

Facebook Comments