Dating army, patay matapos manlaban sa PDEA

Manila, Philippines – Patay ang dating miyembro ng Philippine Army matapos manlaban sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maghahain ng search warrant sa Davao del Norte.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang nasawi na si Roel Valcurza Sahiron, alias Tatoy, 32 anyos at residente Camella Homes, Barangay Visayan Village, Tagum City, Davao del Norte.

Ayon kay Aquino si Sahiron ay high-value target drug personality.


Ginagawa nitong drug den ang kanyang bahay sa Barangay Visayan Village sa Tagum City.

Batay sa report sisilbihan n ng search warrant su Sahiron dahil sa sumbong na ginagamit ang kanyang bahay sa Barangay Visayan Village sa Tagum City bilang drug den.

Pero, nang makatunog ay agad niyang pinaputukan ang mga PDEA agent at dito na nagkapalitan ng putok.

Naisinugod pa ito sa pagamutan ngunit patay ba nang idating doon.

Nasamsam sa looob ng bahay ni Sahiron ang anim na pirasong transparent plastic sachets ng shabu, na aabot sa tatlong grams, na may estimate street value ng P45,000, 8 tablets ng pseudo-ephedrine, ibat ibang drug paraphernalia, isang caliber .22 revolver at caliber .38 revolver .

Bukod kay Sahiron isang Maria Shalika Cheng alias Madam, 39, ang kasama sa inaresto sa isinagawan drug operation.

Facebook Comments