Dating asawa ni Isabel Granada, ibinahagi ang tunay na kalagayan ng aktres

Manila, Philippines – Ikinuwento ngayon ng dating asawa ni Isabel Granada ang tunay nitong kalagayan sa ospital sa Doha, Qatar.

Ayon kay Jericho Aguas, sinabi nitong hindi na umano maganda ang sitwasyon ng 41-year-old actress.

Kasalukuyan pa rin daw nasa coma si Isabel at wala pang nagiging response mula rito.


Dagdag pa ni Aguas, sa kasalukuyan ay durog na durog daw siya kahit na ginagawa ng mga doktor ang lahat ng kanilang makakaya.

Sa ngayon, ay umaasa sila na may milagrong mangyayari kung saan hindi naman daw susuko ang ina ni Isabel na si Mommy Gwapa kahit abutin pa ng isang taong coma ang anak nito.

Facebook Comments