Dating Bangsamoro Islamic Armed Forces fighters, nanatili ang suporta sa pagsulong ng kapayaan sa BARMM

Nagpapatuloy ang commitment ng mga dating Bangsamoro Islamic Armed Forces fighters sa pagsusulong ng kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito’y ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ang Phase 3 ng decommissioning ng Moro Islamic Liberation Front sa BARMM.

Nasa 5, 500 combatants ng MILF-BIAF at 2,100 high caliber weapons ang sumailalim sa decommissioning, sa Maguindanao Provincial Capitol sa Sultan, Kudarat, Maguindanao.


Ayon sa pangulo, panibagong milestone ito na naglalapit sa gobyerno, sa layunin nito na matiyak ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Matatandaan na sa ikatlong phase ng decommissioning na ito, nasa 14, 000 MILF-BIAF ang madi-dekomisyon.

Habang nasa 7, 200 combantants naman ang una nang sumailalim sa initial decommissioning phase noong November 8, 2021.

Facebook Comments