Dating barangay captain, patay matapos pagbabarilin sa Navotas

Navotas – Patay ang isang dating barangay captain sa Navotas matapos na pagbabarilin sa M. Naval St., Barangay Daanghari.

Kinilala ang nasawi na si Bernildo “Totit” Ocampo, 64-anyos.

Sa ulat, galing ng Navotas fishport at papauwi na ang biktima at ang kaniyang driver na si Pompy Macario habang sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin sila ng nag-iisang suspek na sakay din ng motorsiklo.


Dead on the spot ang biktima habang nakatakas ang driver at nadala sa Tondo General Hospital.

Dati daw barangay captain ng San Roque si Ocampo kung saan ikinagulat naman ng pamilya nito ang pamamaril dahil wala naman daw siyang nakakaaway.

Facebook Comments