Dating barangay chairman sa Iligan City, natagpuan patay

Iligan City – Patay na nang matagpuan ang isang dating barangay chairman sa Barangay Ubaldo Laya, Iligan City.

Balot sa carpet at tela nang natagpuan ang biktimang si Abulkhair Radia na dating chairman ng Barangay Lilod, Marawi City.

Mayroon nakasulat pang mensahe sa wikang Maranao na nagsasabing may kaugnayan ang biktima sa iba’t-ibang krimen tulad ng rape, pagnanakaw, kidnapping at pagbebenta ng ilegal na droga.


Nakalagay din sa mensahe na isusunod rin ng mga suspek ang mga “boss” ng biktima.

Bukod naman sa nakitang pasa sa biktima, ikinamatay nito ang mga pakong nakatusok sa kaniyang dibdib at likod.

Facebook Comments