Dating Barangay Kagawad at CAFGU, Binaril ng Construction Worker

23

Cauayan City, Isabela-Nagpapagaling na ngayon ang CAFGU member at Barangay kagawad matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang papauwi sa kanilang bahay pasado 9:00 kagabi sa Sitio Pannao, Barangay Tabbac, Buguey, Cagayan.

Kinilala ang mga biktima na sina Sergio Tinaza, 51-anyos, may-asawa at dating Barangay Kagawad at Ronald Jose, 29-anyos, CAFGU member at kapwa residente sa nasabing lugar.


Habang nakilala ang suspek na si Artemio Alipio alyas ‘Tony’, 46-anyos, walang-asawa, isang construction worker at residente ng Brgy. San Juan, Buguey.

Ayon sa imbestigasyon ng Buguey Police Station, magkakasama ang biktima at suspek habang nag-iinuman sa isang tindahan ng ilang saglit pa ng magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktimang si Tinaza.

Nagdesisyon ang magkaibigang biktima na umuwi sa kanilang mga tahanan ng biglang sundan ang mga ito ng suspek at agad na binaril gamit ang isang shotgun na dahilan para magtamo ng sugat sa katawan ang mga biktima habang tumakas kaagad ang suspek matapos ang insidente.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima para sa atensyong medikal na patuloy ngayong inoobserbahan.

Narekober naman sa crime scene ang 12-gauge shotgun na naglalaman ng isang bala.




Sasampahan ng 2 counts ng kasong Attempted Murder ang suspek na nasa pangangalaga ngayon ng pulisya makaraang mahuli sa isinagawang follow-up operation.

Facebook Comments