Dating Barangay Kapitan sa Aurora Isabela, Pinagbabaril-Patay!

3925

Burgos, Isabela – Patay kahapon ang dating barangay kapitan matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga suspek sa Brgy. Catabban, Burgos, Isabela.

Sa ipinarating na impormasyon ng Isabela Police Provincial Office sa RMN Cauayan, kinilala ang biktima na si Pacifico Viernes Duque, apatnapu’t siyam na taong gulang, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Divisoria, Aurora, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagtungo umano ang biktima sa kanyang bukirin sa Brgy. Catabban, Burgos na sakay ng kaniyang motorsiklo kung saan nang makarating sa lugar ay pinagbabaril ito ng maraming beses ng mga suspek at tumakas kaagad sa hindi rin malamang direksyon.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan sa kabila na itinakbo pa ng nagrespondeng Rescue ng Aurora.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang mga kasapi ng PNP Burgos sa imbestigasyon lalo na sa motibo ng pamamaslang sa dating barangay kapitan.

Facebook Comments