Dating barangay tanod, natagpuang patay sa Novaliches Q.C

Novaliches, Quezon City – Nakabulagta nalang sa kalsada at wala ng buhay, ito ang balitang nakarating sa pamilya Ibañes ng Brgy. Sta Monica Novaliches Q.C kagabi.

Nakumpirma na patay na nga at natagpuang sa Climente St., Brgy. San Agustin ang padre de pamilya na si Ferdinand Ibañes dating Brgy. tanod.

Ayon sa anak ng biktima, sinundo ng nakamotorsiklo ang kanyang ama at pagsapit ng alas nueve kagabi, dito na nabalitaang patay na si Ferdinand.


Aminado din ang pamilya na konektado sa iligal na droga ang padre de pamilya, at hindi sumuko sa oplan tokhang.

Sa ngayon inaalam pa kung sino ang nasa likod ng nasabing pagpatay sa dating brgy. tanod na naging adik sa iligal na droga.

Facebook Comments