Dating basketbolista, nasawi matapos barilin sa ulo

6449
Image from BCPO

Patay ang isang dating manlalaro ng Metropolitan Basketball Association (MBA) matapos barilin sa labas ng isang fitness gym sa Barangay Villamonte, Bacolod City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Manuel “Maui” Huelar, dating player ng Negros Slashers at naging kapitan ng Barangay 35 sa naturang lungsod.


Nagtamo si Huelar ng tama ng bala sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Base sa salaysay ng mga saksi, dalawang putok ng baril ang narinig nila at agad daw sumakay sa itim na sedan ang gunman na nakasuot ng face mask.

Narekober sa crime scene ang dalawang empty shells ng .45 calibre pistol.

Ayon kay Police Major Renante Jomocan, station commander ng Bacolod Police Station 4, naaresto sa isang buybust operation ang biktima noong 2016 dahil sa iligal na droga.

Nakalaya siya noong Disyembre 2018 matapos mag-avail ng plea bargaining agreement.




Kabilang ito ngayon sa tinitingnan anggulo ng pulisya na posibleng sanhi ng pagpatay kay Huelar.

Facebook Comments