Dating Board Member ng Misamis Oriental, nakunan ng mga armas, bala at shabu

231

Inaresto ng kapulisan ang dating Board Member ng Misamis Oriental matapos makunan ng mga armas, bala at shabu kahapon sa Barangay Mantangale, Misamis Oriental.
Ang suspek ay nakilalang si Richard Gepte, 48 anyos, may asawa at dati ring kapitan sa Barangay Mantangale sa nasabing lugar.
Gamit ang search warrant isinagawa ang operasyon ng Provincial Drug Enforcement Unit, Criminal Investigation and Detection Group, Provincial Public Safety Company at Balingoan Municipal Police Station.
Nakuha mula kay Gepte ang iba’t –ibang klase ng armas, bala at apat na sachet ng shabu.
Dahil dito, mahaharap sa kasong illegal position of firearms at druga ang dating opisyal ng Misamis Oriental.
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes
-o0o-

Facebook Comments