Dating BOC Intelligence Security Services, nagbantang hindi magpapahuling buhay sakaling magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya

Manila, Philippines – Mas nanaisin ni dating BOC CISS chief Col. Neil Estrella na mamatay kaysa magpahuling buhay sa mga otoridad sakaling magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Una rito naglabas ng sama ng loob ang opisyal matapos sampahan ng kaso ng PDEA ang BOC-CIIS at NBI ng graft at collusion kaugnay sa 6.4 ng shabu smuggle na nabisto noong buwan ng Mayo.

Mariing itinanggi ni Estrella na nagkaroon ng sabwatan umanong nangyari sa pagitan ng PDEA at NBI sa pay import ng iligal na droga.


Hiniling ni Estrella na ibasura ang kaso na isinampa ng PDEA sa DOJ kung saan nagkaroon umano ng sabwatan dahil kung ang lahat umanong nangyayari sa operasyon ng iligal na droga ay magsisihan ay wala umanong mangyayari sa giyera ng Pangulong Duterte kontra sa iligal na droga.

Facebook Comments