Nasawi ang isang dating brgy. chairman habang arestado naman ang tatlo pa matapos na manlaban sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis at tropa ng Army’s 5th Mechanized Infantry Battalion sa Brgy Abaga, Nunungan, Lanao del Norte kahapon.
Ayon kay Captain Clint Antipala ang tagapagsalita ng 1st Infanrty division ng Philippine Army ang nasawing dating brgy. chairman ay kinilalang si Samolabao Tumog, alyas SB.
Habang ang mga naaresto kinilalang sina Jalal Diambarang Tumog, Pano Tumog at HamiTumog na ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP para sa pagsasampa ng panibagong kaso.
Inaaresto sana ang mga ito dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga pero dahil nanlaban nagkaroon ng palitan ng putukan na ikinasawi ng dating brgy chairman.
Sa operasyon pa ng militar at pulisya narekober sa mga suspek ang isang M16 rifle, dalawang rifle grenades, isang hand grenade, magazines at ammunitions.
Dahil dito may dagdag pa silang kaso maliban sa pagkakasangkot sa iligal na droga.