Dating brgy. tanod na drug user patay sa Caloocan City

Manila, Philippines – Patay ang 58 anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Brgy. Bagong Silang Caloocan City kagabi.

Nakilala ang biktima na si Agusto alyas Ogie na aminadong gumagamit ng iligal na droga.

Lumalabas sa imbistigasyon, habang nagsasara ng pinto sa pinauupahang bahay sa phase 1 package, doon na sya pinagbabaril .


Inaalam din ng pulisya kung konektado ang krimen na nakaaway nito kamakailan.

Nabatid na dating brgy. tanod si alayas Ogie, at napag alamanan din na sumailaim na sya sa drug rehabilitation matapos umaming naadik sa shabu.

Facebook Comments