
Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na naghain ito ng criminal charges sa Department of Justice (DOJ) laban sa dating broadcaster na si Jay Sonza at YouTuber na si Jeffrey Celiz, na kilala rin bilang Ka Eric Celiz.
Kaugnay ito ng social media posts at content ng mga ito na naglalaman umano ng pekeng medical reports ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ayon sa NBI, nakakuha sila ng ebidensya laban kina Sonza at Celiz, kabilang ang online posts at isang CT-scan report na may kalakip na larawan ng pangulo, na naging basehan sa pagsasampa ng reklamong cyber libel at unlawful use of means of publication.
Ayon naman kay NBI Spokesperson Palmer Mallari, bukod kina Sonza at Celiz ay iniimbestigahan din ng ahensya ang content creator na si Jack Argota kaugnay ng nasabing usapin.










