Dating BuCor Chief Bantag at 7 iba pa, sinampahan ng reklamong plunder

Sinampahan ng reklamong plunder, malversation of public funds, katiwalian at paglabag sa code of conduct si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag at pitong iba pa.

Kaugnay ito sa ₱900 milyong halaga na mga proyektong pagtatayo ng pasilidad sa Davao, Palawan at Leyte.

Sa inihaing reklamo, pineke umano ang accomplishment report kung saan sa Palawan ay 93% na ang bayad pero 57% pa lang tapos habang sa Davao ay 95% nang bayad pero 59% pa lamang ang nagagawa at sa Leyte 80% nang binayaran ng gobyerno ngunit 47% pa lamang ang naitatayo.


Pinangunahan ni BuCor Officer-in-Charge Gregorio Catapang ang paghahain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban kay Bantag, Corrections Technical Supt Arnold Guzman at anim na tauhan ng BuCor.

Sinabi naman ni Atty. Al Perera, legal counsel ng BuCor na may hiwalay na reklamo pa silang ihahain laban sa mga kasapi ng umanoy isa pang Bids and Awards Committee na binuo ni Bantag na labag sa mga patakaran.

Ito na ang ikaapat na reklamong isinampa ng BuCor laban kay Bantag.

Facebook Comments