Dating BuCor Chief Gerald Bantag, pinalalantad ni SOJ Remulla kasunod ng pagpapalabas ng warrant of arrest ng korte

Hinamon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag na harapin na ang musika.

Kasunod ito ng pagpapalabas ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 Judge Gener Gito ng arrest warrant laban kay Bantag at sa dati nitong deputy na si Ricardo Zulueta.

Kaugnay ito ng pagkakasangkot ng mga ito sa pagpatay kay inmate Jun Villamor sa New Bilibid Prison (NBP) noong October 2023.


Sinabi ni Remulla na kung talagang inosente si Bantag sa krimen ay dapat lumantad na ito.

Si Villamor ang sinasabing middleman at siyang kumuha kay self-confessed gunman Joel Escorial para patayin daw si broadcaster Percival “Percy Lapid” Mabasa.

Facebook Comments