Nagbabala si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre na posibleng maharap sa patung-patong na reklamong perjury si dating Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Rafael Ragos.
Kasunod ito ng pagbawi ni Ragos sa kanyang testimonya laban kay dating Senadora Leila de Lima.
Naniniwala rin si Aguirre na may malaking taong nasa likod ni Ragos at maaaring nasuhulan ito.
Tiniyak naman ni Aguirre na handa siyang sumalang sa hukuman sakaling gawin siyang testigo ng Department of Justice (DOJ).
Sa pagtungo ni Aguirre sa DOJ, pinabulaanan nito na pinilit niya si Ragos na idiin si De Lima sa illegal drug trade sa Bilibid.
Idinagdag ng dating kalihim na sa video na nakuha niya mula sa Public Attorney’s Office (PAO) , kitang-kita na masaya, spontaneous at boluntaryo ang pagbibigay ni Ragos ng testimonya.