Dating Budget Secretary Benjamin Diokno, isinusulong ang pagkakaroon ng mga eksperto na bubuo sa sistema ng procurement process

Dapat magkaroon na ang pamahalaan ng sariling mga eksperto na bubuo sa sistema ng procurement o pagbili ng mga kailangang suplay at serbisyo.

Ayon kay dating Finance at Budget Secretary Benjamin Diokno, ito’y upang masuri nang husto ang mga kailangan ng gobyerno at pagpipiliang mga produkto o service provider.

Nilinaw ni Diokno, na miyembro ngayon ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na ang procurement law ng Pilipinas ay napupuri sa kahusayan nito.

Pero, kung mali ang pagpapatupad nito o mapasukan ng mga tiwali na gusto lamang kumita, ay mababalewala ang husay ng batas.

Maging si dating Communications Secretary Sonny Coloma ay pabor sa pagsasabing kailangan ang mga procurement specialist para, magpalit man ng mga opisyal o administrasyon, ay magpapatuloy ang propesyonal na pagtugon sa mga kailangang proyekto ng gobyerno.

Facebook Comments