
Maayos ang kalagayan at walang iniindang karamdaman si dating Bulacan 1st District Assistant Engr. Brice Hernandez matapos maihatid sa PNP Custodial Facility sa Camp Crame dakong 6:08 kagabi.
Ito ang sinabi ni Senate Sergeant-at-Arms, retired Gen. Mao Aplasca, kung saan agad itong sumailalim sa medical checkup ng mga doktor kagabi.
Ayon kay Aplasca, ang PNP na ang magbabantay kay Hernandez, subalit bawat kilos nito gaya ng pagdalo sa mga pagdinig ay kailangan pa rin ng approval ng Senado.
Samantala, papayagan si Hernandez na tumanggap ng mga bisita tuwing Martes hanggang Biyernes mula 1:00–5:00 PM, at 8:00 AM–5:00 PM tuwing weekend.
Si Hernandez ang nagdawit kina Sen. Joel Villanueva at Sen. Jinggoy Estrada kaugnay sa umano’y pondo para sa flood control projects sa Bulacan na may 30% SOP.









