Hernandez, balik sa detention ng Senado

Balik detensyon na sa Senado si dating Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez matapos ang pagdinig ngayong araw sa Pasay Regional Trial Court Branch 112 kaugnay ng kanyang inihaing Writ of Amparo petition.

Kinumpirma ng opisina ni Senate President Tito Sotto III na 10:10 ngayong umaga dumating dito sa Mataas na Kapulungan si Hernandez.

Sa liham na inihain ng kanyang mga abogado kay Senate President Sotto, hiniling ang muling pagtanggap kay Hernandez sa Senate Detention Facility.

Ipinaaabot ng kampo ni Hernandez ang tiwala na parehong magsisilbing huwaran ng disiplina at patas na pagtrato sina Sotto at Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson.

Pagdating sa Senado ay agad na sumailalim si Hernandez sa medical examination.

Inaasahang haharap si Hernandez sa susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee patungkol pa rin sa maanomalyang flood control projects.

Facebook Comments