Dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara, inamin na tumanggap ng regalong luxury vehicles

Inamin ni dating Department of Public Works and Highwasy (DPWH) Bulacan District Engineer Henry Alcantara na tumanggap siya ng mamahaling regalo mula sa kanyang dating District Assistant Engineer Brice Hernandez.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Alcantara na birthday at Christmas gift umano ang natanggap na mga luxury vehicles mula kay Hernandez at sa iba pang tauhan.

Ang mga sasakyang ito ay isang GMC at isang Land Cruiser 300 na ibinigay sa kanya noong 2023 o 2024.

Hindi naman kumbinsido si Senator Kiko Pangilinan sa paliwanag ni Alcantara, lalo na’t hindi man lang ito nagtaka kung saan nanggaling ang perang ipinambili ng mamahaling sasakyan.

Pinabulaanan naman ni Hernandez na regalo nila kay Alcantara ang mga luxury cars. Aniya, hiningi ito ng kanilang dating boss at ang perang ginamit sa pagbili ay mula umano sa komisyon ng nakuhang flood control project.

Facebook Comments