Dating Bureau of Corrections Chief Rafael Ragos, dadalhin sa Muntinlupa Regional Trial Court ngayong araw

MANILA, PHILIPPINES – Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation si dating bureau of Corrections Chief Rafael Ragos.

 

Si Ragos ang kapwa akusado nina Sen. Leila De Lima at dating driver/bodyguard nito na si Ronnie Dayan, dahil naman sa pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

 

Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, sumuko si Ragos kay Atty. Sixto Burgos, Deputy Director for Intelligence ng NBI bandang alas-10 ng umaga kahapon sa isang lugar sa Quezon City.

 

Kasama aniyang sumuko ni ragos ang kanyang driver.

 

Sumailalim na rin sa medical examination at booking process si Ragos kung saan kinuhanan na rin siya ng fingerprints at mug shots.

 

Dagdag pa ni Lavin, ngayong araw ay nakatakdang dalhin si ragos sa Muntinlupa Regional Trial Court.

 

Ayon naman kay Burgos, bago pa man ilabas ang arrest warrant noong nakaraang linggo ay nagpahayag na si Ragos ng kahandaan nitong sumuko.

 

 

Kaagad namang tiniyak ng NBI na walang special treatment para kay Ragos na una na ring nagsilbi bilang NBI deputy director noong si De Lima pa ang kalihim ng Dept. of Justice.





Facebook Comments