Dating Bureau of Corrections Chief Rafael Ragos, tinanggal bilang akusado sa bilibid drug trade

Manila, Philippines – Tinanggal na ng Department of Justice (doj) si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Rafael Ragos bilang akusado sa kasong kriminal na isinampa laban kay Sen. Leila de Lima.

Ito’y dahil sa sabwatan sa bentahan ng ilegal na droga sa new bilibid prisons.

Naghain na ang DOJ prosecutors ng amendment charge laban kay De Lima at kanyang dating driver-bodyguard na si Ronnie Dayan.


Ginawa ito matapos paboran ng DOJ prosecutors ang mosyon ni Ragos na nagsasabing hindi dapat siya madiin sa kaso dahil siya ay nasa Witness Protection Program.

Facebook Comments