Dating bus company president, sinibak dahil sa anomalya

Posibleng makasuhan ng kriminal ang dating pangulo ng Vallacar Transit Corporation makaraang matagpuan ng management na iligal itong kumuha ng milyon-milyong pisong pondo ng kumpanya.

 

Sa sulat ni Celina Yanson-Lopez, Chief Financial Officer ng bus company, napag-alamang nagwithdraw si Leo Yanson, dating tagapangulo ng kumpanya ng milyon-milyong pisong halaga ng pondo ng kumpanya na magpahanggang ngayon ay binibilang pa kung magkano inabot.

 

Naganap ang withdrawals nito lamang Hunyo a-uno hanggang a-disiseyete ng taong kasalukuyan.


 

Patuloy naman ang ginagawang auditing at accounting ng kumpanya upang mabatid nito ang lalim at dami ng posibleng withdrawals ni Leo Yanson na walang pahintulot sa management.

 

Bulto aniya ng nakuhang pondo ay pasuweldo at pagbigay benepisyo sa mahigit labingwalong libong empleyado na bahagi ng operasyon ng apat na libong unit ng bus na nagseserbisyo sa Visayas at Mindanao, ayon sa mapagkakatiwalaang source.

 

Polisiya aniya ng management na kailangang may pahintulot ang anumang withdrawals ng pera ng kumpanya upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga empleyado.

 

Pinakamalaking bus company ang Vallacar, na nagooperate ng Ceres Bus lines na pumapasada sa Bacolod, Cagayan de Oro at Davao city.

 

Samantala, patuloy na walang paliwanag kung sa napatalsik na dating Presidente na si Leo Yanson kung saan niya ginamit ang mga pondo at tumatangging magbigay ng kooperasyon sa bagong management.

Facebook Comments