Dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, pumanaw na

Pumanaw na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Bureau of Correction (BuCor) Spokesperson Col. Gabriel Chaclag, bandang alas-7:00 kaninang umaga nang matagpuang unresponsive si Sanchez.

Isinugod ito sa National Bilibid Prison Hospital pero idineklarang dead on arrival.


Hindi naman tinukoy ng BuCor kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Sanchez.

Sa ngayon, sumasailalim pa sa autopsy ang bangkay ni Sanchez.

Si Sanchez ay nakulong dahil sa kasong rape at pagpatay sa college student na si Eileen Sarmenta noong 1993.

Facebook Comments