Dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, humihiling na mailipat sa PGH dahil sa maraming karamdaman

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na naka-confine ngayon sa New Bilibid Prisons (NBP) Hospital ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez dahil sa ilang karamdaman.

Ayon sa BuCor, na-diagnose si Sanchez na may electrolyte imbalance secondary to acute gastro enteritis, chronic kidney disease, hypertension, at benign prostatic hypertrophy.

Hinihintay rin nila ang resulta ng kanyang COVID-19 test .


Nakatakda ring sumailalim si Sanchez sa iba’t ibang medical tests at nais nitong mailipat siya sa Philippine General Hospital (PGH).

Facebook Comments