Dating Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, pinagmumulta ng Office of the Ombudsman matapos na makitaang “guilty” sa grave abuse of authority

Pinagmumulta ng Office of the Ombudsman si dating Cebu Gov. Gwendolyn Garcia matapos na makitaang “guilty” sa grave abuse of authority at iba pa.

Dahil hindi na gobernador si Garcia, ang parusang suspensyon na isang taon na walang bayad ay ginawang multa na katumbas ng anim na buwang sweldo niya noon.

Batay sa listahan ng DBM, ang sweldo ng provincial governors ay nasa pagitan ng P203,200 hanggang P226,000.

Kaya kung susumahin, humigit-kumulang P1.2 million ang multang dapat na ilagak ni Garcia.

Ang desisyon ng Ombudsman ay kaugnay ng isyu ng desilting project sa Mananga River, noong pamumuno ni Garcia, para matugunan ang tagtuyot at kakulangan sa tubig noon.

Ang reklamo ay isinampa ni Moises Deiparine.

Ani Deiparine, bigo si Garcia na makakuha ng mandatory clearances mula sa Department of Environment and Natural Resources.

Facebook Comments