Dating Chief of staff ni Dating Senator Juan Ponce Enrile, pinayagang makalabas ng kulungan

Manila, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan 3rd Division ang hiling ng dating Chief of Staff ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes na makalabas ng kulungan para sumailalim sa dental procedures.

Sa tatlong pahinang resolusyon ng anti graft court, pinapayagang lumabas ng kanyang kulungan si Reyes sa Huwebes, Sept. 7 simula alas 9 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali.

Hiniling ni Reyes na sumailalim ito sa panoramic xray sa YSA Dermatology and Dentistry Clinic at tooth extraction surgery sa Center for Advanced Dentistry sa BGC, Taguig City na siyang pinayagan naman ng korte.


Sagot naman ni Reyes ang gastos sa kanyang dental procedures at transportasyon.

Matapos ang dental procedure at pinagsusumite ng korte ang doctor at BJMP ng report sa loob ng limang araw.

Si Reyes ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Taguig kaugnay sa kasong pandarambong may kaugnayan sa pork barrel scam ni dating Senate President Enrile.

Facebook Comments