Dating Chief of Staff ni dating Senator Juan Ponce Enrile, sumalang na sa bail petition hearing

Manila, Philippines – Sumalang na sa pagdinig ng bail petition sa Sandiganbayan 3rd division si Atty. Gigi Reyes na kapwa akusado ni dating Senador Juan Ponce Enrile sa plunder at graft dahil sa pork barrel scam.

Humarap naman sa kanyang bail hearing si Reyes at humarap din ang testigo ng prosekusyon na si whistleblower Benhur Luy.

Agad namang isinalang ng abogado ni Reyes na si atty. Anacleto Diaz si Luy sa cross examination.


Umamin muli si Luy na nameke siya ng mga lagda sa mga dokumento ng pork barrel funded projects pero sa utos lamang anya ito ni pork barrel scam queen Janet Napoles.

Inamin din ni Luy na hindi nya nakitang lumagda sa anunang memorandum of agreement para sa implementasyon ng PDAF projects.

Facebook Comments