
Pansamantalang sinuspindi ng National Police Commission o NAPOLCOM ng resolusyon para sa preventive suspension laban kay dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Police Brig. General Romeo Macapaz.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairperson Commissioner Rafael Vicente Calinisan, pinatawan ito ng hindi bababa sa 90 araw na preventive suspension ng NAPOLCOM dahil sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ang pagkakasuspindi sa opisyal ay base na rin sa reklamo ni Elakim Patidongan, kapatid ng whistleblower na si Julie Patidongan na pinakialaman ni Macapaz ang imbestigasyon kaugnay ng pagkawala ng 34 na sabungero.
Nilinaw naman ng opisyal na ang suspensiyon kay Macapaz ay ipatutupad para hindi nito maimpluwensiyahan ang imbestigasyon.
Nakatakda namang i-recall si Macapaz na ngayon ay regional director ng Police Regional Office sa Region 12.









